Saturday, April 3, 2010

Cebu trip halo halo

Mga palusot sa airport!!! nagmamadali eh abot naman pala...

Ria: Kuya, baka pwede naman kami mauna, 4:30am flight namin, galing kami sa kabilang terminal... e dito pala kami...

Pabida kids to Karr: o Karr, pila ka lang dyan ha, makikiusap kami sa harap.
Karr (saying to herself): ocge na nga. ako pa naman pinakamabagal maglakad...

Manong na nakapila: Anong oras flight niyo?
Karr: 4:30 am po.
Manong na nakapila: Naku, hindi kayo aabot. Makiusap na kayo sa mga nasa harap...

*** edi naglakad naman ako, papunta sa harap para makiusap... Nakasalubong ko so Jorge...
Jorge: O karr, bakit ka umalis sa pila??? (medyo, parang kuya na nagagalit sa kapatid ang tono!)

Karr: *** sa isip isip ko lang, ehhhh di daw aabot, kaya makikiusap rin ako...

Ria/cham and zar: nakikiusap pa rin sa mga guard.
Guard: eh kung lahat ng nakapila 4:30am ang flight... edi sinira niyo na ang pila... Mawawalan ako ng trabaho sa inyo ehhh

Ria/Cham/Zar : pleading mode..sigi na kuya...
Guard: ilan ba kayo?

Ria/Cham/Zar: with hope in their faces... 5 lang po...
Guard: o cge na nga...

Pabida Kids: Yehey! Thank you po...



Sakto! heto umabot rin... ala amazing race... wala naman race...
hahaha patawa!



Touch down sa Cebu... sayang la ako pic nung sa Cebu airport...
naalala ko yung mga usapan nung nagdedecide na kung san mag-sstay na hotel dun.

*scenario: syempre may konting research naman ako ng several hotels dun. May print out ako rates ng fuente pension...na nirefer nila Nino at Jerome...

Zar: patingin nga... wala bang address yan?
Karr: Meron.
Zar/Jorge: San dito?
Karr: Meron yan... Paki-click. Sorry nakalimutan ko iclick yung address saka iprint... hehehe
*patawa!



10th aniversary gig ng Urbandub sa level 8, Adnama Buidling

Classic to! Hindi ko makakalimutan na pinahiram si Zar ng guard sa baba... para lang makapasok sa gig. hmmmm Maparaan sila kuya Guard...

Pabida kids with the Lame excuse: huh?! kuya, hindi niyo siya papapasukin dahil naka-short? Grabe! galing pa kami ng Manila para sa gig na ito... sayang naman...

Guard: ocge na nga... papasukin na natin
Ria/Karr: Yehey!!!


cut to:
Si kuya guard, may dala dala na extra pants niya... ipapahiram kay zar... dapat suot lang un ni zar habang nasa building...





After the gig! panalo... kahit ginawan ng paraan ung hassle sa dresscode... masaya naman...






Mga ikot ikot sa Cebu City... :D
Dito ung bibili k ng kandila, dadasalan nila ate, tapos iaalay mo rin ung jandila sa shrine...
end spiel nila ate: Pete Senyor Sto Nino!!!





Buffet lunch: P169... Solve na solve!!! busog kids...








Kaya pahinga muna sa hotel ni Rue... sarap ng nap time dun...
Ito ung nagpapaalam na si rue sa mga chicks niya sa reception... hehehe
ayaw pa umamin ni rue kung sino sa dalawa... kasi hindi daw siya kiss and tell...wooshoooo patawa...may ganun pa... hehehe






si Rue, parang lokal na sa Cebu... ikot ikot kami ulit!!!









piktyur mode habang papasok sa sto nino altar!!! Answered prayer nga agad dito ehhh.... ang galing!









Kinabukasan... byahe naman kami papuntang moalboal... feeling DJ ako dito sa bus, ala remote control weekend... shuffle lang ng shuffle na mga songs sa music express...



Hayun ehhh...di papapigil sa dagat!!!



time for lunch... adobong squid, isda isda isda...





gala lang ng gala sa isla... pabalik na kami sa City... tapos pa manila na ulit sa gabi...
sayang... ang hirap kasi mag upload ng pic dito ehhh...
Yung pic sana sa airport idadagdag ko dito....
may na-krasan nga ako sa airport ehhh.... ung skateboard guy... hehehe taga gma 7 ata...di ko sure... hehehe la lang...kelangan talaga un ang end ng blog ko? hehehe





























No comments:

Post a Comment